203 taong kalye, 18 ‘batang rugby’ nasagip

TINATAYANG umaabot sa 203 taong kalye at 18 rugby users na pawing mga menor de edad ang nasagip ng mga awtoridad sa Pasay.

Sa pangunguna ng pamahalaang lokal , kasama ang Pasay City Social Welfare and Development (PSWD), Philippine National Police at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang malawakang
rescue operations ay isanagawa bilang pagpapaigting ng kampanya laban sa krimen at kahirapan.

Ayon sa Pasay City Public Information Office, Chief Lani Gatbonton, tinatayang 146 na mga kalalakihan at 57 na mga kababaihan ang naisalba sa pagroronda ng PSWD sa mga tinatawag na “high-risk areas” ng lungsod.

Upang masiguro naman ang kanilang kaligtasan at maiwasan ang pagbabalik-lansangan, pito rito ay dinala sa kani-kanilang mga pamilya habang ang 189 naman ay dinala sa JFC, at ang pito naman ay sa Pasay City Youth Home.

Samantala, 18 menor na edad naman na gumagamit ng rugby ang nasagip din kamakailan sa kahabaan ng Domestic Road.

Ayon sa lokal na pamahalaan, naging marahas aniya ang mga kabataan sa mga kinauukulan na nagresulta sa bahagyang pagkasira ng sasakyan ng Pasay City Rescue.

Ang mga nasagip na menor de edad ay dinala ng mga awtoridad sa Pasay City Youth Home.

Ang mga rescue operations ay kaugnay na rin sa masinsinang kampanya ni Vice Mayor Marlon Pesebre laban sa mga nagaganap na krimen sangkot ang mga taong lansangan at ang mga kabataan na sangkot sa paggamit ng rugby at iba pang mga ipinagbabawal na gamot.

Kamakailan, pinaigting ng mga awtoridad at mga lokal na pamahalaan ang kampanya kontra “batang hamog” o ang mga batang nagbubukas ng mga sasakyan at nagnanakaw sa mga drayber at pasahero sa gitna ng matinding traffic sa kamaynilaan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply