220 sasakyan ng PNP, AFP ipapakalat sa transport strike

AABOT sa higit 220 na mga sasakyan ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ipapagamit para sa mga pasaherong posibleng maapektuhan ng malawakang transport strike bukas, Setyembre 22, na lalakuhan ng iba’t ibang malalaking transport group. .

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) director chief Alan Purisima, ilalagay sa full alert status ang seguridad sa buong Metro Manila habang nakahanda na rin ang deployment ng kanilang pwersa sa mga strategic places.

Nabatid pa na higit 17,000 tauhan mula sa NCRPO, AFP at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ihahanda para sa malawakang protesta kung saan tututukan ng mga awtoridad ang mga lugar na siyang apektado ng strike at maging sa lugar na posibleng magkaroon ng kilos protesta ng mga militanteng grupo.

Samantala, nabatid naman kay Modesto Floranda sa isang panayam sa radio, pangulo ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (Piston) sa National Capital Region, all set na ang kanilang paghahanda para sa gagawing tigil-pasada.

Sa pagtaya ni Floranda, maliban sa 22 libong mga jeepney drivers na lalahok sa kanilang gagawing protesta, inaasahan din umanong sasabayan ito ng iba pang transport groups at grupo ng mga manggagawa.

“Tuluy-tuloy na po ang ating transport strike bukas at nakikita natin ang pagkaparalisa ng transportasyon. Ito po ay hindi lamang laban namin, kundi laban din po ng buong sambayanan na tumututol sa Oil Deregulation Law at 12 percent na value added tax,” giit ng opisyal.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply