250kg botcha nakumpiska sa Maynila

NASAMSAM ng awtoridad ang 250 kilo ng double dead na karne ng baboy sa lungsod ng Maynila kaninang madaling araw., Setyembre 16.

Nasabat ng pinagsanib na puwersa ng Veterinary Inspection Board (VIB) ang naturang botcha sa Paco, Maynila.

Ayon kay VIB chief Hector Dimaculangan, ang nasabing double dead na karne ay galing sa Bulacan at ibabagsak sana Paco.

Nabatid pa kay Dimaculangan na sa tulong ng isang tipster kung kaya muling nakakumpiska sila ng botcha kung saan nahuli rin ang pahinanteng si Richard Cruz.

Matatandaang kahapon ay nakakumpiska rin ang awtoridad ng 400 kilos ng double dead na karne ng baboy sa Recto Ave., na ibabagsak sana sa Divisoria.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply