250kg botcha nasabat sa Maynila

NASAMSAM ng Manila Veterinary Inspection Board ang 250 kilo ng botcha o double dead na karne ng baboy bago pa man mahalo ang mga ito sa mga paninda sa palengke ng Divisoria ala-1:00 kaninang madaling araw, Setyembre 11.

Nabatid kay Manila Veterinary Inspection Board Chief Joey Diaz na sa marumi at maputik na kalsada nila natagpuan ang mga botchang baboy kung saan tinakpan pa ng sako at lona upang itago ngunit umalingasaw din ang masangsang na amoy kaya’t agad nila itong napansin.

Bigo namang madakip ang may-ari ng botcha na agad tumakas.

Inaasahang lalo pang lalaganap ang bentahan ng botcha habang papalapit ang Pasko.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply