26 katao sakay ng tumirik na barko nasagip ng PCG

NASAGIP ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 26 katao sakay ng barkong ngkaaberya sa karagatan sakop ng Batangas.

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) spokesman Lt. Commander Algier Recafrente, dakong alas-9:00 kagabi, Setyembre 3, ng masiraan ng makina ang MV San Carlo Uno na galing sa Occidental Mindoro na patungo sana ng Maynila.

Naiparating naman sa coast guard ang pangyayari maghahating gabi na kaya agad silang nagpadala ng rescue vessel na BRP Nueva Vizcaya kung saan ligtas na nailipat ang 14 pasahero at 12 tripulante ng barko.

Ayon sa PCG, hinihila na ngayon ang tumirik na barko patungong Maynila habang ang mga na-rescue ay nasa maayos nang kondisyon at nakauwi na rin sa kanilang mga pamilya. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply