$26M nuclear radiation detection facility itinayo sa Port of Manila

NAGTAYO ng isang $26 milyong dolyar na specialized nuclear radiation detection facility ang Amerika sa Port of Manila na bahagi ng Megaports Initiative Projects ng National Nuclear Security Administration sa ilalim ng US Department of Energy.

Sa pormal na pasinaya ng proyekto ay dumalo ang Department of Science and Technology sec.Mario Montejo ,at US Ambassador Harry Thomas Jr. sa Manila International Container Port.

Ayon kay US Ambassador to the Philippines Harry Thomas, Jr. ang pasilidad ay isa lamang sa dalawang itatayo sa Pilipinas na naglalayong matiktikan at pigilan ang anumang pagtatangka na ipasok at ilabas ng bansa ang anumang “radiactive materials” sa pamamagitan ng mga pantalan.

Subalit ayon sa ambassador, may kapasidad ang mga detectors na malaman ang mga radioactive materials bagamat hindi nito mapapalitan ang galing at karanasan ng mga taong mag-papatakbo ng pasilidad. Magiging epektibo lamang umano ang mga pasilidad sa pamamagitan ng expertise ng mga Pilipinong hahawak nito.

Kailangan umanong seguruhin ng Amerika na hindi kakalat ang mga nuclear materials sa mundo at hindi nito hahayaang magamit ang Port of Manila na transit point ng mga terorista. Sa mga impormasyong maraming nakalulusot na transhipment sa Pilipinas sanhi na rin ng mga tiwaling customs officials, posibleng samantalahin ito ng mga terorista upang maluwag na makapaglabas-masok ang kanilang mga kontrabando kapalit ng malaking halaga.

Sa project paper ng US Embassy, layon ng proyekto na ma-scan ang gaano man karaming containers, saan man ito patungo, import, export, transhipped, na hindi gaano makakasagabal sa operasyon ng Port of Manila. Ben Reyes

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply