29 na ang patay kay ‘Mina’

TATLO pa ang nadagdag na patay sa bilang ng nasawi na iniwan ng bagyong “Mina.”

Sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 29 ang nasawi kaugnay ng nakalipas na bagyo.

Umaakyat din ang bilang ng nasugatan na nasa 37 na habang bumaba ang bilang ng nawawala na ngayo’y nasa lima.

Tumataas din ang bilang ng mga pamilyang apektado kahit wala na ang bagyo na ngayo’y nasa mahigit 84,000 na.

Nasa mahigit 11,000 pamilya naman ang nananatili pa ring nanunuluyan sa evacuation centers.

Halos nasa P1.41 bilyon na ang pinsalang nalilikha ng kalamidad sa imprastraktura at produktong agrikultura ng mga rehiyong hinagupit nito.

Nabatid na 15 ektarya ng rice land ang winasak ni Mina sa mga barangay ng Ambarihon, Buenavista at Batga sa Tubungan sa Iloilo pa lamang. Anthony Vargas

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply