3 Abu Sayyaf utas sa bakbakan sa Basilan

TUMIMBUWANG ang tatlong miyembro ng Abu Sayyaf group (ASG), habang isang Army Scout Ranger ang sugatan sa naganap na sagupaan sa Basilan.

Sa report na ipinalabas ng Western Mindanao Command, nabatid na habang nagsasagawa ng combat operation ang operating units ng 12th Scout Ranger Company sa may Barangay Etub Etub munisipalidad ng Sumisip, ay nakasagupa nito ang umaabot sa 20 mga armadong bandido.

Ayon naman kay Wesmincom Public Information Officer Lt Col. Randolf Cabangbang, grupo umano nina Abdulbaki Ismunul alyas Commander Sahili at Nurrodin Mudalam alyas Commander Not ang nakalaban ng tropa ng Scout Ranger.

Ayon pa kay Lt Col Cabangbang, pagkatapos ng 30 minutong palitan ng putukan ay tumakas patungo sa direksyon ng Saluping Island at Tabuan Lasa ang ASG gamit ang tatlong motorized pumpboat at narekober sa crime scene ang dalawang M16 rifles.

Sa kasalukuyan ay sumasailalim sa medical treatment ang sugatang sundalo sa Camp Navarro General Hospital na nagtamo ng fractured limb.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply