3-anyos na babae na-trauma sa 12-anyos

UMIIYAK at nanginginig ang 3-anyos na babae tuwing papalitan ng panty ng kanyang ina dala ng trauma sa pagkakagahasa sa kanya ng 12-anyos na kapitbahay sa Sta. Mesa, Maynila.

Ayon sa pahayag ng ina ng paslit, tuwing kumakalong ang bata sa kanyang daddy ay iminumuwestra nito ang kahalayang ginawa sa kanya ng 12-anyos na kapitbahay.

Dahil sa kakaibang ikinikilos ng paslit ay napaamin ito ng magulang kung saan pautal-utal na ikinuwento ang ginawa sa kanya ng suspek.

Agad namang humingi ng tulong ang magulang ng biktima kay Jay de la Fuente, hepe ng Manila Social Welfare Department (MWSD).

Nagtungo ang MWSD sa bahay ng binatilyo ngunit hindi na mahagilap kaya kinausap na lamang ni de la Fuente ang magulang ng binatilyo na isuko ang anak na pansamantalang inilayo.

Sinabi ni dela Fuente na alinsunod sa Juvenile Act ay walang pananagutan ang isang bata sa anumang krimen na nagawa nito, ngunit dapat ikostudiya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Isasailalim naman sa theraphy ang bata at kanyang mga magulang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply