3 araw bago natuklasan: Fil-Am natagpuang patay sa P’naque

TATLONG araw bago natuklasang patay ang isang Filipina-American sa kanyang mismong tahanan matapos umalingasaw ang masasang na amoy nito.

Naaagnas at lumobo na ang katawan ni Ann Margaret Loyola na nakatira sa Barangay San Antonio, naturang lungsod kung saan hawak pa nito ang kanyang cellphone.

Ayon sa kaibigan ng biktimang si Amy, isa umano siya sa huling nag-text sa biktima dahil sa kinumusta niya ito sa kanyang sakit na trangkaso.

“Tinext ko siya nung Sabado, nung Sabado lang. Kinamusta ko kasi sabi niya may trangkaso raw siya. Kinakatok ko siya pero ayaw sumagot,” ayon kay Amy.

Samantala, nagsasagawa na ang pulisya ng imbestigasyon hinggil sa totoong ikinamatay ng biktima.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply