3 armadong lalaki patay sa engkuwentro

TIGOK ang tatlo sa apat na armadong lalaki na nakaengkwentro ng mga tauhan ng pulisya sa Cagayan, kaninang madaling-araw.

Sa sketchy report na nakarating kay PNP spokesman, Chief Supt. Agrimero Cruz, nabatid na dakong alas-3:30 kanina nang maganap ang shootout sa Barangay Minanga, sa bayan ng Penablanca.

Nagpapatrolya ang mga pulis nang matiyempuhan ang apat na lalaki.

Agad pinaputukan ng mga armado ang mga pulis na nagresulta sa ilang minutong bakbakan.

Napatay ang tatlo sa mga kalaban habang nakatakas ang isa nilang kasama.

Narekober sa lugar ng insidente ang dalawang motorsiklo, dalawang caliber .45, isang uzi machine pistol at mga bala. Anthony Vargas

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply