3 ASG patay sa pag-rescue sa dinukot na negosyante

LIGTAS na ang negosyanteng si Luisita Galvez matapos ma-rescue ng Philippine Army mula sa kamay ng mga Abu Sayyaf group (ASG) sa Sumisip, Basilan.
Ayon kay Wesmincom Public Information Officer Lt Col. Randolf Cabangbang, nagtamo ng kaunting injury sa kanyang binti si Galvez dahil sa firefight sa pagitan ng mga sundalo at ng bandidong grupo.

Sa impormasyon naman mula kay Special Operation Task Force Basilan commander Col. Alex Macario, isang sundalo ang nasugatan habang tatlong ASG ang napatay at pito naman ang sugatan sa nangyaring engkuwentro bandang alas-3:00 kaninang hapon.

Kung maaalala, si Galvez na may kinakasamang British engineer, ang siyang may-ari ng RL Salon sa Barangay Poblacion, Ipil, Zamboanga Sibugay Province at dinukot may dalawang linggo na ang nakakaraan.

Sa ngayon ay nakatakdang i-turnover ang nailigtas na negosyante sa Crisis Management Committee ng Ipil, Zamboanga.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply