3 bangkay tinapon sa Cavite

TATLONG bangkay ang natagpuan na hinihinalang biktima ng summary execution (“salvaging”) makaraang itapon sa isang bakanteng lote sa Naic, Cavite, kaninang umaga, Setyembre 9.

Ayon sa panayam sa dzBB ni police head Superintendent Dexter Rellora, nakatakip ang mga mata ng mga naturang biktima at nagtamo ng mga tama ng baril sa ulo.

“May nakuhang tatlong bangkay, nakagapos sila at blindfolded. Siguro dito itinapon sa amin,” ayon pa kay Rellora.

Kasalukuyan namang iniinspeksyon ng Scene of the Crime Operations (SOCO) team ang katawan ng mga biktima.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply