3 biktima ng human trafficking pinigil sa NAIA

PINIGIL ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport  ang tatlong kababaihan na hinihinalang biktima ng human trafficking matapos lumusot sa departure area ng hindi pa natatatakan ang kanilang mga pasaporte ng Immigration.

Nakilala ang tatlo na sina Akisha May Ramos Austria, 21, Esmeralda Mandalones, 43, at Jazel Obenza, 26, na diumanoy mga pasahero na patungong Middle East at nakatayo malapit sa boarding gates ng kani-kanilang mga biyahe ng sitahin ng mga awtoridad dahil sa kakulangan ng sapat na dokumentasyon.

Ayon kay Atty. Antoinette Mangrobang, ang tatlo ay ‘di dumaan sa immigration windows at nasa lounge na sa immigration area habang naghihintay sa kanilng contact na aalalay sa kanila habang papasakay sa kanilang mga eroplano.  Si Obenza at Mandalones ay nakatakda sanang sumakay ng Cathay Pacific habang si Austria ay sasakay ng Emirates Air noong Setyembre 17.

Base sa pahayag ng mga biktima, naghihintay sila sa isang nagngangalang “Patrick” na nauna nang nag-utos sa kanilang humalo sa iba pang mga pasahero at lumusot sa mga boarding gates ng hindi na dadaan sa mga tauhan ng immigration.

May mga pasahero umano na nagpapanggap na turista subalit ang totoo ay nagpaplano ang mga ito na magtrabaho sa mga bansang may ban ang Pilipinas at upang hindi mahuli ay itinatago ang kanilng mga visa sa  kanilang mga panloob.

Aminado ang tatlong biktima na nagbayad sila ng halagang P33,000 bawat isa sa kanilang ahente para sa kanilang pag-alis patungong abroad. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply