3 dalagita nalunod

NASAWI ang tatlong tatlong dalagita makaraang malunod sa Caliraya Lake sa Cavinti, Laguna

Batay sa report ng dzMM, kabilang ang magkapatid na Sophia at Mara Virata at ang kaibigang si Lovelyn Guerrero sa mga miyembro ng Born Again Christian na nag-picnic at nag-fellowship sa Lawa ng Caliraya.

Nabatid na nahiwalay sa grupo ang tatlo at isa pang kasama hanggang nakita na lang sila ng guwardya ng spillway na nalulunod na.

Una umanong nalunod ang 15 anyos na si Sophia at sasagipin sana ng kapatid na si Roma at ni Lovelyn pero lahat sila ay nawala kaya humingi na ng saklolo ang isa nilang kasama.

Nabatid pa na maganda ang panahon sa lawa kahapon pero palalim ang gitna ng lake at posibleng hindi namalayan ng mga biktima.

Naisugod pa sa ospital ang tatlo pero binawian din ng buhay.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply