3 day tune-up games ng Smart Gilas sinimulan na

SINIMULAN na ng Smart Gilas nationals ang tatlong team na tune-up games bilang paghahanda sa 26th FIBA championships sa Wuhan, China simula mamayang 7 ng gabi sa The Arena, San Juan City ang tune-up game ng Smart Gilas laban sa Qataris.

Makakabilang sa tropa ni coach Rajko Toroman sina Chris Tiu, Marcus Douthit at Japeth Aguilar na orihinal na miyembro ng koponan. Makakasama nila sina Jimmy Alapag, Kelly Williams at Ranidel de Ocampo mula sa Talk ‘N Text na ipinahiram ni business tycoon/sportsman Manny V. Pangilinan.

Ang ilang miyembro ng koponan na pansamantalang hindi muna pinangalanan ay masisilayan sa pagbubukas ng laro ng 3-day series.

Isang laro sa pagitan ng Qatar at Jordan ang gaganapin sa Biyernes habang nakapahinga ang Smart Gilas bilang paghahanda sa laro naman nila kontra Jordanian team.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply