3 dyip inararo ng trak: 5 sugatan

SUGATAN ang lima katao makaraang araruhin ng isang trailer truck ang tatlong pampasaherong jeep sa Ortigas Ave. sa Pasig City.

Nabatid na dalawa sa mga sugatan ay ginagamot sa Rizal Medical Center, isa ang nasa Pasig General Hospital habang nakauwi na ang dalawang iba pa kaninang umaga, Setyembre 22.

Sinalpok ng trak ang nasa unahan nitong jeep at dahil sa lakas ng impact, bumangga naman ito sa dalawa pang jeep.

Iginiit ni Romel Adriano na nasa kustodiya na ngayon ng Eastern Police District Sector na nawalan ng preno ang kaniyang minamanehong sasakyan kaya nangyari ang insidente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply