3 gov’t employees niratrat patay

TATLONG empleado ng gobyerno ang namatay matapos paulanan ng bala habang nag-iinuman sa lungsod Quezon,kagabi, Setyembre 4.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Atty. Rizal Cimatu, legal officer ng Commission on Audit; Edwin Tating at Napoleon Aquino, pawang mga empleyado ng Quezon City Hall.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nagkakasiyahan ang mga biktima sa panulukan ng San Simon at Sto. Domingo Streets sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City bandang alas 9:30 ng gabi nang biglang may dumating na tatlong motorsiklong sakay ang mga salarin at pinagbabaril ang mga ito.

Namatay kaagad sila Tating at Aquino samantalang naisugod pa sa East Avenue Medical Center si Cimatu subalit idineklara itong dead on arrival.

Patuloy pang inaalam ng kapulisan ang motibo ng pagpatay sa tatlo.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply