3 holdaper tumba sa mga parak

PATAY ang tatlong suspek sa panghoholdap sa mga pashero ng isang jeep na may biyaheng Quiapo patungong Cubao makaraang makipagbarilan sa mga rumespondeng pulis bandang 2:00 ng madaling-araw, Setyembre 8.

Nabatid na sumakay ng jeep ang mga suspek at nagdeklara ng holdap.

“Sabi pera pera lang ito. Binigay ko ang cellphone ko at cash na nasa bulsa ko, » ayon sa panayam sa isang biktima.

Kaagad bumaba ang mga suspek matapos ang panghoholdap ngunit nagtungo agad ang mga biktima sa presinto upang humingi ng tulong na agad namang nirespondehan ng mga pulis.

Dead on the spot ang dalawang suspek habang itinakbo pa sa Sampaloc Hospital ang isa ngunit binawian din ng buhay.

Narekober sa mga suspek ang tatlong .38 kalibre ng baril habang inaalam pa ng awtoridad kung saan nabibilang na grupo ang mga ito.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply