3 inutas sa QC, biktima ng mistaken identity

HINALA ng awtoridad na mistaken identity ang naganap na pamamaril at pagpatay sa tatlo katao na ikinamatay ng isang abogado ng COA habang malubha namang ikinasugat ng dalawa matapos pagbabarilin ng tatlong armadong lalaki sa isang bar sa Barangay Holy Spirit, Quezon City nitong nakalipas na Linggo ng gabi, Setyembre 4, 2011.

Sa ulat ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), kinilala ang mga biktima na sina Atty. Rizal Cimatu, 53, ng empleyado ng COA legal department, ng 62 Sto.Domingo St., Brgy. Holy Spirit; Edwin Tating, 53, empleyado ng Quezon City Hall ng 988 San Roque St., Brgy. Holy Spirit, QC at Napoleon Aquino, 51, businessman, ng 01 Sta. Catalina St.,Brgy. Holy Spirit,QC.

Sugatan naman insidente sina Samantha Bibon, 17, ng St. Vincent St.,Brgy. Holy Spirit, QC at Esmeraldo Castillo, 53, ng 19 Sto. Domingo St., Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Ayon kay PO2 Hermogenes Capili officer on case, hinihinala nila na ang naturang insidente ay mistaken identity dahil maaaring napagkamalang mga pulis ang mga biktima sa naturang lugar habang nag-iinuman.

Sinabi pa ni Capili na bagO umano pinagbabaril ang mga biktima ng mga suspek ay nagsalita pa ang mga salarin na mga pulis ang kanilang itinumba bago nagsitakas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply