3 katao sugatan sa nagwala na taxi driver

SUGATAN ang tatlo katao kabilang ang isang barangay tanod habang wasak naman ang ngipin ng isang estudyante matapos magwala at manuntok ang isang taxi driver sa loob ng barangay hall Biyernes ng gabi (Setyembre 23) sa Karuhatan, Valenzuela City.

Wasak ang ngipin ng estudyanteng si Juan Orcala, 20, at suntok at sipa naman ang inabot ng ina nitong si Maria Adelaida Orcala, 42, at tadyak suntok din ang inabot ng barangay tanod na si Juan Dela Cruz, 41, pawang residente ng No. 11 Thomas Manuel Compound, Barangay Karuhatan ng nasabing lungsod.

Nakakulong at nahaharap sa kaso ang suspek na si  Gabriel Sacay, 41, taxi driver na nakatira rin sa nasabing compound.

Ayon sa ulat, ganap na alas-8:00 ng gabi nang magwala ang suspek sa loob mismo ng nasabing barangay hall.

Nabatid na nagkaroon ng mainitang pagtatalo si Sacay at ang ina ng biktima na si Maria at nakita ng anak ang sinapit ng kanyang ina nang ito ay tadyakan ng suspek ay tinangka niya itong awatin. Subalit sa halip na paawat ay pinagsusuntok din ito ng suspek.

Nang tangkain naman ng tanod na payapain ang suspek ay siya naman ang pinagbalingan nito. Roger Panizal

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply