3 kawatan todas sa shootout

UTAS ang tatlong kawatan matapos makipagbarilan sa mga pulis, sa Cebu City, kaninang umaga (Lunes, Setyembre 5).

Bago ang engkwentro, hinoldap umano ng tatlong lalaki ang isang babae na mula sa China Bank na nasa loob ng food court ng Robinsons Place Cebu.

Patay din ang isang security guard ng bangko habang sugatan ang isa pa nang paputukan ng mga kawatan.

Sugatan din ang dalawang pulis na nasa labas ng mall nang barilin ng mga holdaper.

Agad namang rumesponde ang Cebu City police units hanggang sa makorner ang tatlong lalaki na lulan ng motorsiklo.

Kinumprima namang ng mga awtoridad na miyembro ng Osamis robbery group ang mga kawatan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply