3 kelot kalaboso sa ‘paihi’

KULONG ang tatlong kalalakihan kabilang ang drayber at pahinante ng bus matapos sipsipan ng krudo ang pinapasadang bus sa Caloocan City kagabi (Setyembre 23).

Nakilala ang mga supek na sina Romeo Mesina, 44, drayber; Reymark de Ala, 19, pahinante, kapwa ng San Vicente, Nueva Ecija at kasabwat na si Andres Basilio, 34, ng Stotsenburg St., ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-siyete ng gabi, sinisipsipan ng mga suspek ng krudo ang RJ Bus (RIK-356) sa 10th St., sa pagitan ng 7th at 8th Ave. ng lungsod nang madaanan ng mga barangay tanod.

Hindi na nakapalag pa ang mga suspek nang dambahin ng mga tanod at dinala sa presinto kung saan nabawi ang mahigit kumulang na 20 litro ng krudo na nasa container.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply