3 ‘mail-order bride’ patungong Korea nasabat

NAPIGILAN ang tatlong hinihinalang “mail-order brides” makaraang masabat ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa pahayag ni  August Morales ng NAIA-Bureau of Immigration, pasakay sana ang grupo sa Asiana Airlines Flight patungo sa Korea nang masabat ng mga tauhan ng BI.

Bagamat mayroon umanong ligal na marriage visa ang mga ito, napag-alaman na pumasok ang mga ito sa kasunduang magpakasal sa isang Koreano kapalit ng trabaho sa Korea at ng pagkakaroon ng Koreano ng marriage visa para makapasok sa Pilipinas.

Kilala ng mga awtoridad ang mga biktima na sina Grace Dela Cruz, Jean Luis Villegas at Julie Fernandez.

Ang tatlo ay inilipat sa pangangalaga ng  Anti-Human Trafficking Taskforce upang imbestigahan kung sino ang recruiter ng mga ito na nag-aayos ng “mail-order bride” system kapalit ng trabaho sa ibang bansa. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply