3 mangingisda nawawala – PCG

TATLONG mangingisda na nawawala lulan ng M/Bca Apomac 2 ang patuloy na pinaghahanap ngayon ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos mabigong makabalik sa kanilang destinasyon.

Ayon kay Lt.Commander Algier Ricafrente, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa coast guard station sa Aparri na ang nasabing motor banca na pag-aari ni Randy Coles ng Barangay Taggat, Claveria, Cagayan ay hindi pa nakakabalik.

Lulan ng M/Bca Apomac 2 ang mangingisdang sina Gerry Tapuro, Ferdinand Cusit at Teoduro Abuyuan na kapwa mga nakatira sa nasabing barangay.

Sa ulat ng coast guard, may kargang  300 kilos ng isda at umano’y ibabagsak ito sa Fuga Iland sa Aparri, Cagayan ganap na alas-9:00 noong Setyembre 7 at nakatakda ring magtungo sana sa Claveria, Cagayan nang araw ding iyon ngunit hindi sila nakarating sa kanilang destinasyon at hindi pa nakakabalik ang tatlong mangingisda.

Agad namang inatasan ng coast guard Aparri station ang coast guard detachment Kalayan at coast guard mobile team Camiguin na magsagawa ng search and rescue operation upang hanapin ang tatlong mangingida.

Sinabihan na rin ang mga motor banca owners at lahat ng mangingisda sa lugar na ireport ang nawawalang banca sakaling makita nila ito sa karagatan.

Inilarawan ang banca na kulay asul at puti na may 18 horse power briggs at Stratton engine. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply