3 parak arestado sa pangingikil

ARESTADO ang tatlong pulis Maynila sa isinagawang entrapment operation ng kapwa nila pulis Huwebes ng madaling araw (Setyembre 15) sa Sampaloc, Maynila.

Pinipigil ngayon sa Manila Police District-General assignment Section (MPD-GAS) ang mga naarestong sina PO1 Rentao Martinez, PO1 Gary June Gading, PO2 Fernando Coloma na kapwa nakalataga sa GAS section ng MPD.

Ayon kay Spokesperson P/Chief Insp. Erwin Margarejo, nakatanggap ng reklamo ang tanggapan ng GAS mula sa isang Annie Cruz, kaugnay sa pangingikil ng mga pulis ng halagang P50,000 kapalit ng kalayaan ng kanyang asawa na si Benjamin Cruz.

Nabatid na si Benjamin ay unang inaresto ng nabanggit na mga pulis dahil umano sa pagtutulak nito ng droga at tinawagan si Annie  at hinihingan ng pera kapalit ng kalayaan ng kanyang mister.

Nagtungo rin umano ang mga pulis sa bahay ni Cruz dakong alas-8:30 ng kagabi (Miyerkules,Setyembre 14) at pilit na hinihingi ang nasabing halaga.

Dahil dito, agad na humingi ng tulong si Annie sa ibang pulis kaya agad na naisagawa ang entrapment operation sa Plaza del Carmen panulukan ng Legarda St., Sampaloc, Maynila at doon naaresto ang tatlong parak bandang alas 5:00 ng madaling araw.

Kapag napatunayang nagkasala ang tatlong pulis sila ay sasampahan ng kaukulang kaso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply