3 sa 9 na pumugang preso nahuli na

NAHULI na ang tatlo sa siyam na pumugang preso sa Quezon City Police District (QCPD) Station 5 sa Fairview, Quezon City Miyerkules ng madaling araw (Setyembre 14).

Kasama sa tatlong nahuli ay ang mayor ng kulungan na si Pedro Perez, 40, may kasong illegal drugs.

Bago ito, bumuo ng tracker team ang QCPD na tutugis sa mga tumakas na sina Perez, Richard Santos, Severillo Soriano at Russel Catintay, Richard David, Ernesto Ramasanta, Romulo Bagnate, Joel Gorobot at Alex Francisco.

Ang naturang tracker team ay pinangunahan ni Police Superintendent Nestor Abalos, hepe ng intelligence division ng QCPD, kaagapay ang tatlo pang team mula sa Station 5 na hiwalay na naghahanap sa mga tumakas.

Base sa ulat, tumakas ang mga preso sa pamamagitan ng paglagare sa bakal na nakaharang sa maliit na butas sa bandang likuran ng bilangguan.

Ang ginamit na lagare sa pagtakas ay napag-alamang dinala kahapon (Martes) ng nobya ni Perez nang bumisita ito sa naturang kulungan.

Nasa kostudiya na rin ng pulis ang kasintahan ni Perez na posibleng makasuhan rin habang ang iba pang nakatakas ay patuloy na pinaghahanap.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply