3 sasakyan inararo ng trak: 3 patay, 2 grabe

NASAWI ang tatlong katao habang dalawa naman ang sugatan nang inararo ng isang trak ang tatlong sasakyan sa kahabaan ng Sulvec, Narvacan, Ilocos Sur.

Nabatid na hindi nakontrol ng lasing na drayber ng 10-wheeler (Hino) truck close van na nakilalang si Domingo Galvez ng Sta. Barbara, Pangasinan.

Biglang napatulin ang takbo ng trak kung kaya’t unang binangga nito ang naka-park na public utility van na tuluy-tuloy na bumangga sa bahay ni Reynaldo Baptista sa gilid ng kalsada ng Narvacan.

Bumangga rin ito sa isa pang 6- wheeler Izuzu elf truck na minaneho ni Gregorio Dasmariñas ng Narvacan na pag-aari ng isang abogada na si Tillie Cordero at dumire-diretso sa isa pang nakaparadang owner typed jeep na pag-aari naman ni Renato Aquino ng bayan ng Santa Maria, Ilocos Sur.

Sa tindi ng pagkakasalpok, sumirko ang elf truck kung saan tumilapon ang nakasakay na magkapatid na sina Paulo, 15, at Christian de los Santos, na agad namatay, Melvin Balsita na dead on arrival sa pagamutan; samantalang ang kasamang si Genaro Cabatu ay grabeng nasugatan.

Nabatid na sugatan din ang drayber na lasing ng truck, at ginagamot sa Gabriela Silang General Hospital sa Tamag, Vigan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply