3 trabahador sugatan sa sumabog na junkshop

BUMAON ang mga scrap metal sa katawan ng tatlong trabahador nang sumabog ang junkshop na kanilang pinapasukan sa Zamboanga kaninang umaga.

Isinugod sa Zamboanga City Hospital sanhi ng tinamong sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktimang sina Jayson Orquijo, Oscar Aballe at Michael Ebol pawang empleyado ng Curuan Junk Shop.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas 9:30 ng umaga sa loob ng naturang junkshop.

Bago ito, nabatid na may kinukumpuning steel drum ang tatlong biktima nang bigla itong sumabog kaya bumaon ang scrap metals sa kanilang katawan.

Sa ngayon, hindi pa matukoy ng pulisya kung ano ang sumabog kung ito man ay sanhi ng isang vintage bomb o ibang mga kemikal na ginagamit sa pampasabog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply