3,000 ‘illegal aliens’ nadakip

UMABOT sa 3,000dayuhang walang kaukulang dokumento ang nadakip ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) sa unang pitong buwan ng 2011.

Batay sa ulat higit na mataas ito kumpara sa 2,418 na mga undocumented foreigners na naitala ng BI noong nakalipas na taong 2010.

Ayon kay Immigration Commissioner Ricardo David Jr., agad na pinababalik sa kanilang mga bansa ang mga nahuhuling dayuhan at saka sila isasailalim sa block list.

Karaniwan sa mga foreign nationals na kanilang nadadakip ay mga Chinese, Korean, American, Japanese, at mga Taiwanese.

Dahil ditto, kinumpirma ng Department of Tourism (DOT) na bumaba ang bilang ng mga Hong Kong tourist na bumibisita sa ating bansa kumpara noong nakaraang taon.

Ayon sa ulat ng DOT-Northern Mindanao, bumagsak ng mahigit 16 % ang tourist arrival ng mga taga-Hong Kong.

Hindi naman inihayag ang rason ng nasabing low tourist arrival, ngunit iginiit niya na tumaas naman ang bilang ng mga turista mula Japan, Korea at Taiwan na dumadayo sa kanilang lugar.

Sa kabuan nilinaw ng DOT na mahigit 17% ang itinaas ng mga East-Asian tourists sa Northern Mindanao. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply