30,000 katao na ang patay sa Civil War sa Libya

TINATAYANG umabot na sa mahigit 30,000 katao ang namatay sa naganap na Civil War sa Libya.

Ayon kay Naji Barakat, Health Minister ng Libyan National Transitional Council (NTC), nakuha nila ang nabanggit na bilang sa datos na hawak ng mga ospital, local officials at mga dating commander ng rebeldeng grupo.

Posible aniyang lumobo pa ang nabanggit na bilang habang patuloy ang pangangalap ng datos sa mga namatay sa ilang buwang labanan sa kampo ni Libyan Leader Moammar Gaddafi at mga rebelde.

Kabuuang 50 thousand katao naman ang nasugatan sa labanan habang 4,000 katao ang patuloy na nawawala. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply