30,000 pamilya inilikas: Bagets nalunod sa baha sa Maguindanao

ISANG 13-anyos na lalaki ang kumpirmadong patay at mahigit sa 30,000 pamilya ang lumikas makaraang magkaroon ng flashfloods bunsod ng malakas na pag-ulan sa Maguindanao.

Nabatid na nalunod sa baha ang naturang binatilyo sa bayan ng Pagalungan.

Lubog din sa baha ang may 16 bayan sa naturang probinsiya at inilikas naman ang may 34,491 pamilya kung saan nagkulang na ang ilang evacuation centers dahil sa pagdagsa ng mga evacuees.

Maliban sa pag-ulan nang malakas ng ilang araw, naging sanhi rin ng pagbaha ang pagbara ng mga water lilies sa Rio Grande de Mindanao at Buluan Lake sa naturang rehiyon.

Dahil dito, nakiusap na ang rehiyon sa Department of Public Works and Highways na tanggalin ang mga nakabarang water lily.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply