33 na ang patay kay ‘Mina’

LUMOBO na sa 33 ang bilang ng mga nasawi sa bagyong “Mina.”

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang mga pinakahuling nadagdag sa death toll ay mula sa Ilocos Sur, Zambales at Bulacan.

Kinabibilangan ito ng magkapatid na Bonifacio Minguita, Jr., 3, at Quintina Mae, 5, ng San Jose del Monte, Bulacan  na namatay sa flash flood; Jenelyn Tolentino, 14, ng Caoayan, Ilocos Sur at Efren Dolandolan, 50, ng Sta. Cruz, Zambales na kapwa nalunod.

Umakyat din sa walo ang nawawala, kabilang ang tig-dalawa mula sa Nueva Ecija at Abra.

Mahigit 86,000 pamilya o halos 360,000 indibidwal mula sa 17 lalawigan ang naapektuhan ng bagyo.

Ang overall cost of assistance naman ay umabot na sa P11.21 million habang tinaya ang pinsala ng kalamidad sa P1.43 billion. Anthony Vargas

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply