38 OFWs mula Syria dumating kagabi

DUMATING na kagabi, Setyembre 13, ang 38 mga overseas Filipino workers (OFWs) na lumikas galing Syria.
Sakay ng Qatar Airways Flight 604, lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mga Pinoy at sinalubong naman siya ng mga opisyal ng OWWA.

Samantala, darating namang mamayang alas-4:00 ng hapon ang ikalawang batch ng mga OFW na mula sa Syria.

Lumalabas sa record ng DFA, umaabot na sa 102 OFWs ang bumalik sa bansa simula noong buwan ng Marso.

Batay sa ulat naglaan  ang gobyerno ng US$550,000 para sa paglikas ng nasabing Pinoy workers. Sinabi naman ni acting Foreign Affairs Secretary Esteban Conejos na nagpadala na sila ng 10-man Rapid Response Team sa Syria para makipag-usap sa mga employers ng mga Pinoy workers.

Ito’y dahil may polisya raw sa Syria na hindi mabibigyan ng exit visas ang mga Pinoy workers doon hangga’t walang go signal ng kanilang mga employers. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply