4-anyos tinamaan ng ligaw na bala

TINAMAAN ng ligaw na bala ang isang apat na taong gulang na bata habang natutulog kaninang madaling-araw, Setyembre 11, sa Brgy. Manoc-manoc sa isla ng Boracay.

Kinilala ang biktimang si Yuri Bryan Gelito, residente ng nasabing lugar, na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kanyang tagiliran at tumagos pa sa kanyang puwet.

Nabatid mismo sa mga magulang ng bata sa isang panayam sa radio na bandang 2:00 ng hatinggabi ay naalimpungatan sila nang makarinig ng putok ng baril mula sa malayong direksyon.

Nataranta umano sila nang marinig na umiiyak at makitang duguan ang kanilang sugatang anak kung saan agad nilang isinugod ito sa provincial hospital.

Patuloy ang imbestigasyon ng Boracay Special Tourist Protection Office (BSTPO) hinggil sa nasabing insidente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply