‘4-day work week’ di tututulan ng Dole

HINDI tututulan ng Department of Labor and Employment (Dole) ang panukalang “four-day work week” sa tanggapan ng gobyerno at sa mga pribadong sektor.

Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, nakapaglabas na sila ng Dole advisory para sa compressed work week noong panahong nagkaroon ng global financial crisis at maaari naman itong muling ipatupad.

Nilinaw ni Baldoz na bukod sa makatitipid ang mga empleyado at employer, kailangan din maunawaan na may pagkakataon na hindi naman kailangang nasa opisina ang empleyado para gawin ang trabaho.

Bukod dito, nakatakdang tumulak bukas ang karagdagang rapid response team ng pamahalaan upang mapabilis ang repatriation process ng mga overseas Filipino worker (OFW) sa Syria.

Sinabi ni Baldoz na maraming OFWs ang nagpahayag na ng pagnanais na makauwi subalit nahihirapan ang mga ito sa pakikipag negosasyon sa kanilang employer

Pahayag pa ng kalihim kabilang sa mga tutulak bukas (Martes, Setyembre 6) patungong Syria ay ang mga kawani ng Dole, Department of Foreign Affairs (DFA), Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of National Defense (DND).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply