4-day work week hindi angkop sa PH – BIR chief

NANINIWALA ang pamunuan ng  Bureau of Internal Revenue (BIR) na hindi angkop ang four-day work week sa lahat ng empleyado sa  bansa.

Ani BIR Commissioner Kim Jacinto-Henares,  maraming ahensiya ang hindi maaaring makasunod sa panukala dahil sa serbisyong kanilang regular na inilalaan kahit anong araw.

Halimbawa na rito ang mga magre-renew ng lisensiya na matatapat sa Biyernes, magsasaayos ng mga transaction documents, police matters, hospital matters at marami pang iba.

Gayunman, pinuri ng opisyal ang panukala ni Quezon City Rep. Winnie Castelo, na kinakitaan umano nila ng pagsisikap na makaagapay sa lumalaking gastusin ng mga manggagawa dahil sa pamasahe at mas mahal na pagkain sa regular five-day work week.

Nilinaw naman nitong hindi siya tutol sa panukala ni Castelo kundi iniisip lamang niya ang posibleng maging bunga ng nasabing pagbabago.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply