4-day workweek tablado sa Senado

TABLADO sa dalawang senador ang panukala sa Mababang Kapulungan na magkaroon ng 4-day workweek dahil lubhang maapektuhan ang produktibidad hindi lamang sa pribadong sektor kundi maging sa puwersa ng pamahalaan sa paghahatid ng serbisyo.

Ayon kay Sen. Manny Villar, may-ari ng isa sa pinakamalaking real estate company sa bansa, na hindi maaaring magkaroon ng apat na araw na trabaho kada linggo sa bansa dahil hindi naman ganoon kaunlad ang ating ekonomiya.

”I think it cannot be done.  The business sector and government can’t afford to have this kind system,” ayon kay Villar.

Sinabi pa ni villar na kahit dagdagan ng dalawang oras mula sa dating walo gagawing sampung oras kada araw ang pagtatrabaho, kailangan munang pag-aralan ang sistema.

“Let’s see if there are countries that adopted it. If there is country that adopted it, perhaps we have to see if it became successful or if they stopped it,” giit ni Villar, chairman ng Senate committee on economic affairs.

Kahit Employers Confederation of the Philippines (ECOP), pumapalag sa panukala ni Quezon City Rep. Winston Castelo dahil lubha itong counter-productive.

Bagama’t sinuportahan ng Department of Labor and Employment (DOLE), kailangan umanong aprubahan ito ng employer at empleado bago ipatupad.

Maging si Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada ay hindi rin sang-ayon sa 4-day work week na magreresulta ng sampung oras na trabaho mula Lunes hanggang Huwebes.

“Hindi po ako sumasang-ayon sa 4 day work week dahil maaaring ma-hamper ang ating ekonomiya at mga negosyo,”pagdidiin ni Estrada na siyang chair ng senate committee on labor, employment and human resource development.

Inihain ni Castelo ang panukalang 4-day work week sa ilalim ng House Bill No. 5237 upang makatipid umano ang gobyerno ng 20 percent sa gastos. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply