4 holdaper utas sa shootout

APAT na miyembro ng kilabot na robbery in band syndicate ang napatay ng mga tauhan ng Philippine National Police kaninang umaga sa Tuguegarao City matapos holdapin at tangayin ang sasakyan ng isang opisyal ng Commission on Audit.

Ayon kay PNP Spokesman P/Chief Supt Agrimero Cruz Jr, naganap ang sagupaan alas 10:00 ng umaga sa Barangay Tupang, Alcala sa lalawigan ng Cagayan.

Una rito hinarang ng apat na hindi pa nakikilalang suspek ang COA supervising auditor na si Juanito Ilagan Talosig sa may San Agustin Street, RG Villiage, san Gabriel, Tuguegarao City bandang alas 9:20 ng umaga.

Natangay sa biktima ang mga alahas nito,  cellphone, laptop at hindi pa madeterminang halaga ng salapi.

Sa pagtakas ng mga aramdong suspek ay tinangay rin nila ang itim na Isuzu  SPORTIVO  na may license plate number  BCX 587 ng biktima subalit nagawa namang agad na makapagsumbong sa Tuguegarao Police Station ang biktima.

Agad inalarama nito ang Provincial Traffic Operation Center at Cagayan Provincial police Office na nag-utos na maglatag ng isang dragnet operation.

Nagawang makalusot ng mga suspek sa checkpoint na inilatag ng Amulong Police station subalit hinabol  naman sila ng mga operating troops at inabot sa Barangay Alcala na ang resulta s apagpapalitan ng putok.

Dead on the spot ang apat na suspek na kasalukuyang inaalam ang mga pagkakakilanlan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply