4 mag-aaral sugatan sa ipo-ipo

SUGATAN ang apat na mag-aaral nang mabiktima ng pananalasa ng ipo-ipo sa isang paaralan sa Tantangan, South Cotabato.

Kinilala ang mga biktima na sina Christine Jane Ogayco, Ashley Nicole Dela Cruz, Merian Anota Tonito at Loverlyn Laganto na estudyante ng Bukay Pait Elementary School sa naturang bayan.

Base sa inisyal na imbestigasyon, masyadong malakas ang hangin na tumama sa naturang lugar kung saan nag-collapse ang stage ng paaralan.

Nasa kritikal na kalagayan naman si Ogayco na nagtamo ng  sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Dahil dito mananatili muna sa hospital ang mga biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply