4 miyembro ng pamilya minasaker sa Sorsogon

PATAY ang apat miyembro ng isang pamilya nang pagtatagain ng mga hindi nakilalang salarin sa Castilla, Sorsogon, kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga biktima na sina Corazon Maravilla, 60; Geraldine Ortiz, 32; Annika Ortiz, 5 at Joseph Ortiz, 3 taong gulang, pawang ng Sitio Tipun-Tipon, Barangay Pandan Castilla, Sorsogon.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, dakong 9:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng mga biktima.

Nabatid na ipinaalam ni Barangay Captain Randy Bueno sa pulisya na natagpuan ang mga biktima na patay na sa loob ng kanilang bahay.

Hinala ng awtoridad na posibleng kilala o malapit sa pamilya ng mga biktima ang nasa likod sa pamamaslang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply