4 n uri ng droga kayang tukuyin ng PDEA sa drug test

APAT na uri ng iligal na droga ang kayang matukoy ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pamamagitan lamang aniya ng urine drug testing.

Itoy taliwas sa naglabasang ulat na shabu lamang at marijuana ang kaya nilang maeksamin sa kanilang drug testings.

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr. ay may bago na silang ginagamit na drug testing kit –  ang  immuno-assay kit – sa PDEA Laboratory Service na may kapabilidad na matukoy kung ang isang isinailalim sa drug test ay gumagamit ng shabu, marijuana, ecstasy at cocaine, na kadalasang ginagamit ng mga nang aabuso nito sa bansa at kayang malaman ang resulta sa loob lamang ng limang minuto.

Itoy matapos ang isinagawang deliberation  kaugnay sa hinihinging budget ng PDEA para sa  2012 budget sa Kongreso.

Sa nasabing pagdinig nabahala si Rep. Bernadette Herrera-Dy matapos matuklasang marijuana at shabu lamang ang kayang tukuyin ng mga drug testing centers para sa drivers na  kumukuha o nagre-renew ng  kanilang mga lisensiya kapag nagsusumite ng kanilang specimen para sa analysis.

Dahil sa naging obserbasyon sinabi ni Gutierrez na kinakailangan na aniyang ma upgrade ang kapabilidad ng mga drug testing centers, magkagayunman nasa control pa rin ito ng PDEA.

Ang accreditation aniya at pangkalahatang superbisyon ng mga drug testing centers ay nasa ilalim ng hurisdiksyon ng Department of Health (DOH).  Nago sila maisyuhan ng LTO ng lisensya

Dahil dito inirekomenda ng PDEA sa DOH na gawing requirements ng mga accredited drug testing centers na gumamit ng immuno-assay kit na ginagamit ngayon ng PDEA.

At para sa LTO, hinimok  ng PDEA Chief ang ahensiya na ikunsidera ang pagabago ng  IDTOMIS at isama sa laboratory results kung naeksamin ang  ecstssy at cocaine.

Dagdag pa ni Gutierrez na kailangan aniyang alisin sa isipan ng bawat isa ang negatibong hinala tungkol sa mga resultang inilalabas ng mga   ng accredited drug testing centers ay pawang dinoktor para lamang paboran ang aplikante na maisyuhan ng  lisensiya. Alex Ching

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply