4 na bilanggo pasado sa board exam

APAT na bilanggo mula sa piitang panglungsod ng Puerto Princesa ang pumasa sa board exam para maging Registered Master Electrician.

Ang mga nakapasa ay ang magkapatid na Edwin at Edmun Jamandre, Renato Baclagon at Glen Coruña na pawang mga bilanggo ng nabanggit na piitan.

Ayon kay Jail Officer Augusto Maceda, In-Charge ng Educational Program ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa lungsod ng Puerto Princesa, ang mga bilanggo ay produkto ng kanilang mga pagsasanay at teknikal na kurso na ipinatutupad sa loob ng piitan upang kung sakaling makalaya na ang mga ito ay hindi na sila mahirapang humanap ng trabaho sa kanilang pagbabagong buhay.

Katuwang ng BJMP sa pagpapatupad ng mga kursong teknikal at mga pagsasanay sa loob ng piitan ay ang Technical Education and Skill Development Authority (TESDA) sa pamumuno ni Provincial Director Arnel Campued.

Maliban sa apat na bilanggo, nakapasa naman ang lima pang estudyante mula sa labas ng piitan na nabiyayaan ng libreng review class sa loob ng Puerto Princesa City Jail.

Ang mga ito ay sina Geronimo Zaquita, Bernard Felizarte, Eddie Castino, Felino Morales at Michael Magbanua.

Hindi lamang mga bilanggo ang natutulungan ng programa ng BJMP, kundi pati na rin ang mga taga-labas na nais mag-enroll sa mga libreng kursong ipinatutupad ng nasabing ahensiya. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply