4 patay sa masaker sa Sorsogon

APAT na katao ang patay sa naganap na masaker sa lalawigan ng Sorsogon, ayon sa ulat ng pulisya ngayon (Lunes, Setyembre 12).

Ang mga biktima ay kinilalang sina sina Corazon Maravilla, 60, Geraldine Ortiz, 32, Annika Ortiz, 5, at Joseph Ortiz, 3, pawang residente ng Sitio Tipun-tipun, Barangay Pandan, Castilla Sorsogon.

Base sa report ng pulisya, dakong alas-9:00 kaninang umaga nang dumulog ang barangay captain na si Randy Bueno sa Castilla Municipal Police Station matapos matagpuan ang mga duguang bangkay ng apat na biktima na pinagtataga ng hindi pa nakikilalang salarin.

Suspetsa ng mga awtoridad, paghihiganti ang nakikitang motibo sa pamamaslang.

Natagpuan na rin ang ginamit na itak na ginamit sa pangmamasaker.

Kasalukuyan nang iniimbestigahan ang naganap na masaker.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply