4 Pinay maids sa Libya uunahing iuuwi sa Pinas

PRAYORIDAD ng pamahalaan ang pagpapauwi sa apat na Pinay maids sa magulong Libya

Ito ang pangako ni Vice President at Presidential Adviser on Overseas Filipino Concerns Jejomar Binay kay Jenny Rivera, isang kamag-anak ng isa sa apat na katulong na Pilipina ng isang pamangkin ni Moammar Gaddafi.

Tiniyak ng Bise Presidente kay Rivera na kanyang agad hihilingin sa pamahalaang Pilipino ang National Transitional Council na pauwiin sa Pilipinas ang kapatid nitong  sina Diana Jill at iba nitong mga kasamahang manggagawa.

Sinasabi naman ni Rivera na kinikilala ng kanyang pamilya ang mga pagsisikap ng pamahalaan na mailigtas ang mga Pilipinong nasa Libya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply