4 sa 9 na pugante sa QCPD, nahuli na

NAARESTO na ang apat sa siyam na presong pumuga kahapon sa selda ng Quezon City Police District (QCPD) Station 5.

Ayon sa report ng dzMM, pinakahuling nadakip kagabi sa San Mateo, Rizal si Joel Gorobot.

Base sa salay ni Joel, isang dalaw ng kasama nilang pumuga na si Richard Santos ang nagdala ng lagareng bakal na kanilang ginamit para putulin ang rehas sa presinto.

Nauna nang naaresto kahapon ang tatlo pang pugante na sina Russel Catintay, Romulus Bagnate at ang mayor ng piitan na si Pedro Perez.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply