4 sasakyan nagkarambola sa Kyusi: 2 nasawi

DALAWA katao ang nasawi makaraang magkarambola ang apat na sasakyan sa Epifanio delos Santos Avenue sa Quezon City, madaling-araw ng Sabado, Agosto 3.

Nabatid sa report ng dzBB, nagkarambola ang mga sasakyang kinabibilangan ng dalawang bus, isang trailer truck, at isang van.

Base sa inisyal na report, isa sa mga bus ang huminto makaraang masabit ang side mirror ng isang van kung saan nagkaroon ng komprontahan ang dalawang driver ng naturang sasakyan sa EDSA malapit sa Muñoz.

Ngunit habang nag-uusap ang dalawang driver, nabangga naman ng trailer truck na minamaneho ni Marlon Calanawan ang bus, na ikinasawi ng dalawang pasahero kung saan nadamay pa ang isa pang pampasaherong bus.

Nakilala ang mga nasawi na sina Jun Salazar at Mario Mahusay,habang isinugod naman sa ospital si Calanawan upang magamot ang natamong sugat.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply