400-kilong botcha nasabat sa Divisoria

NASABAT ng awtoridad ang may 400 kilo ng “botcha” o “double-dead” na karne ng baboy na sakay ng isang pedicab sa Divisoria, madaling-araw ng Lunes, Setyembre 5.

Ayon sa report ng dzBB, nakatanggap ang city veterinary office operatives ng tip na may binabiyaheng botcha sa may kanto ng Dagupan at C.M. Recto.

Nabatid pa na karamihan sa mga karne ay nangangamoy mabaho na habang ang iba namang karne ay nakahiwa na para sa pang-menudo upang ihalo naman sa mga sariwang karne na ibinebenta sa palengke.

Ayon naman nahuling pedicab driver na si Danilo Nuque, inutusan lamang siya ng isang lalaki na nakasakay sa taxi na ideliver niya ang mga botcha sa isang nagngangalang “Michael” sa Divisoria Market.

Sinabi naman ni Nuque na hindi niya kilala ang nag-utos sa kanya ngunit kilala niya si “Michael.”

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply