43 patay, P4-B nasira ni ‘Pedring’

SA pinakabagong datus na inilabas ng National Disaster Risk Reduction Management Council umabot na ng 43 katao ang nasawi samantalang 30 pa ang nawawala sa bagyong Pedring.

Ang pinakahuling naitalang mga namatay ay sina Mary Ann Nicolas ng Balagtas, Bulacan; Reyna Queen Tan ng Porac, Pampanga at Ramon Visaya ng San Fernando, Camarines Sur.

Ayon pa sa NDRRMC, nalalapit na sa P4B ang halaga ng mga ari-arian, imprastraktura, kabuhayan, pananim at mga alagang hayop ang nasira o nawala ng naturang bagyo.

Umabot naman nang halos isang milyong katao ang naging apektado ni Pedring sa kabuuang 33 lalawigan na nasalanta.

Marami pa ring mga kalsada at mga tulay ang hindi pa nadadaanan sa mga lalawigan ng Cagayan Valley, Central Luzon, Southern Luzon at Cordillera.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply