43 patay sa plane crash sa Russia

PATAY ang 43 katao makaraang bumagsak  ang isang pampasaherong eroplano sa Russia.

Nakita pang nagliyab ang eroplano ilang minuto pa lamang matapos na mag take off sa Yaroslavi Airport.

Bumagsak ang YAK-42 aircraft sa Volga River sa nabanggit na lungsod.

Sakay ng eroplano ang major league ice hockey team ng Russia na pawang namatay sa insidente.

Kaagad  na pinadala ni Prime Minister Vladimir Putin ang kanyang transport minister sa crash site para alamin ang dahilan ng trahedya. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply